Fri, 18 Oct 2019

Tagalog News: OrMin Media Club, may mga bagong opisyales na

Philippine Information Agency
18 Sep 2019, 16:38 GMT+10

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Setyembre 18 (PIA) -- Nanumpa na sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong halal na opisyales at kasapi ng Oriental Mindoro Media Club (OMMC).

Ginanap ang okasyon sa El Rancho, Brgy. Lumangbayan, noong Setyembre 14, sa pangunguna ng pangulo ng OMMC na si Fe Aquilizan-De Leon.

Si De Leon ay ang nahalal bilang bagong presidente ng organisasyon na kasalukuyan ding namumuno bilang chief ng Provincial Information Office (PIO) ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ang mga opisyales na nanumpa ay sina Vice President Jerry Alcayde (Manila Bulletin); Secretary Gener Cupo (DWOM FM 105.5); Treasurer Noraida Rocco (PNP Lingkod Bayan/DWOM); Auditor Evelyn Salvatierra (Island Profiles); Bus. Mgr. Leo De Leon, Jr. (Island Profiles/CMN Pilipinas) at P.R.O. Junard Acapulco (City Information Office) habang ang mga Board of Directors ay pinangunahan ni Chairperson Maricris De Jaro (Island Profiles Publisher); mga kasapi na sina Honrado 'Ding' Vega (DWOM), Dennis Nebrejo (Philippine Information Agency - Oriental Mindoro); Robert Villavicencio (GMA7) at Sandy Soriano (Radyo Natin - Barcenaga).

Samantala, ang mga bagong kasapi ng organisasyon ay sina Raquel Alcano (DWOM), Gloria Chua (Calapan Cable), Glady Mabini (Radyo Natin - Calapan), Mario Florencondia (Net25), Hancy Ramirez (DWXR Kalahi FM), Aris Licup (SPIO/Island Profiles), Wency Generato (DWOM), Richard Rocco (DWOM) at Bien Rubia (SPIO/Island Profiles) habang nasa active members list si G. Jose Leuterio ng Mindoro Bulletin at nasa inactive status naman sina Rey Jandusay, Roel Mazon at Nilo Baculo, Jr.

Dumalo din ang ilang personalidad sa lalawigan upang ipaabot ang kanilang pagbati na sina Vice Governor Antonio Perez na kumatawan kay Gob. Bonz Dolor, Bokal Edel Ilano, Calapan City Vice Mayor Gil Ramirez na kumatawan kay Mayor Arnan C. Panaligan, City Coun. Charles Pansoy, Baco Vice Mayor Eric Castillo at City ENRO at FMO Head Wilfredo Landicho (dating kasapi ng OMMC).

Nagpaabot ng pasasalamat ang bagong pangulo sa tiwala na ipinagkaloob ng mga kasapi at asahan aniya nila ang tungkulin na iniatang sa kanyang balikat ay lalo pa niyang pagbubutihin at gagawin lahat para sa kapakanan ng samahan.

Ang OMMC ay samahan ng mga lokal na mamamahayag mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan na nagsisilbing katuwang ng pamahalaan sa pagpapahayag ng mga proyekto at programang isinasagawa ng lokal at pamahalaang nasyunal. (DN/PIA-OrMin)

More Mexico News

Access More

Sign up for Mexico News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!